Cayo man~ga binata ang inaalayan co nitong munting bun~ga nang pagod, cayó ang aquing tinutun~go, at ipinamamanhic sa inyo na aco,i, pagdalitaang dinguin.
Cayo,i, bagong natuntong sa pintò nitong malauac na mundó, gayac na paguitna sa mundó, ay dapat magsimpan nang gagamitin sa guitna nang mundo.
Ang panaho,i, nagtutuling caparis nang pan~ganorin; at ang macaraan ay di na mag sasauli, ang maualá sa matá ay di na moling maquiquita, caya catampatan ang magsamantalá, at na sa capanahonang magtipon. Magsáquit matutong maquipagcapoua tauo, at nang di maquimí sa guitna nang caramihan, at nang di ninyo icahiya ang di carunun~gan.
Ang dunong na nag-tuturo sa tauo nang pagharap sa caniyang capoua, ay bun~ga nang pag-ibig sa capoua tauo: ang pag-ibig sa capoua tauo, ay bun~ga nang pag-ibig sa Dios, caya ang na ibig sa Dios, ay marunong maquipag capoua tauo, at sacali,t, di marunong ay magsasaquit matuto; sa pagca,t, batid na ang dunong na ito ay puno at mulá nang magandang caasalang quinalulugdan nang Dios.
Ang marunong maquipagcapoua tauo, ay maganda ang caasalan; palibhasa,i, nag-iin~gat, nang caniyang quilos, asal at pan~gun~gusap ay mátuntóng sa guhit nang di capootan nang Dios, at cálugdan nang tauo. Caya ang carunun~gang ito ay hiyas sa isang dalaga dan~gal sa isang guinoo, pamuti sa isang bináta, dilág at cariquitang cacambal náng magandang asal na ninihag nang puso.
Cayong man~ga ina naman, na may catungculang magturo sa anac nang man~ga daquilang catotohanang pahayag nang Santo Evangelio, dapat ang cayo,i, magsaquit tumupad nitong mabigat na catungculan na ipagsusulit sa Dios.
Alalahanin na ang man~ga batang inyong anac ay caparis nang búcong na un~gós sa dulo nang halaman, cayo ang may alaga nang halamanan, ay catungculan ninyo ang mag-in~gat.
Pasicatan sa arao nang Santo Evangelio, diliguin nang magandang aral sa paquiquiharáp sa tauo, at pamumucadcád nang man~ga bulaclac na inyong alaga, ay maquiquita ninyong magsasambulat nang ban~go, sa guitna nang mundó na inyong pinagaalayan.
Na sa capanahonan ay inyong pagsaquitan, at ang aral na ito,i, casabáy nang gatas na ipasuso sa anac, pasundan nang mabuting halimbaua, halimbauang sa inyo,i, maguisnan, at maquiquita ninyo na ang magandang aral ay maguiguing magaling na asal na di mabibitiuan cun di casabáy nang búháy.
N~guni cun inyong bayaan, palac-hing salát sa aral, hubád sa magandang asal, ay capilitang ipagsusulit ninyo sa Dios, at pagdating náng panahon na sila,i, paguitna sa mundó, sa masamáng uaning sa canila,i, mamasdan, dalamhati ang inyong pupulutin, cayo ang sisisihin nang tauo, at palibhasa,i, bun~ga nang inyong capabayaan.